Friday, February 22, 2013

Problema sa Agrikultura

Samo't sari ang naging suliranin ng agrikultura sa Pilipinas, halimbawa nito ay ang madalas na pagbagyo sa ating bansa, pangalawa, nagkukulang parin ang suporta ng pamahalaan ng gobyerno , tulad ng suliranin sa irigasyon, kakulangan ang initiatibo sa panahon ng tag tuyot at marami pang iba. Ipapaliwanag ko sainyo isa isa kung ano ba ang mga ito.


Una, mataas na gastusin sa pagsasaka. Malaking problema sa mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa pagtatanim. Ito ay dahil hindi naman sila nabibigyan ng sapat na sweldo, tapos tataas pa gastusin nila. Imbis na makakain sila ng kumpletong tatlong meals, ito ay nagiging kulang sanhi ng pagtaas ng mga presyo ng renta sa lupa, patubig, sa kagamitan ng pagsasaka, sasakyan para sa transportasyon patungong pamilihan, at iba pa.


Pangalawa, problema sa imprastraktura. Kalunos-lunos din ang kalagayn ng mga imprastraktura sa sektor ng agrikultura sa maraming liblib na lugas sa Pilipinas. Nagrereklamo ang mga magsasaka dahil sa kakulangan ng mga daan o yung tinatawag na "Farm-to-Market Roads.


Pangatlo, problema sa kapital. Dahil sa problemang ito, ang mga magsasaka ay napipilitang umasa sa pautang. Sa kadahilanang sila ay mawawalan ng kapital, napipilitan silang umasa nalang. Which is dagdag din sa problema. Dahil ang kanilang inuutangan ay tinatawag na Sharks o 5/6. Oo, pinapautang nila yung tao. Pero ito ay tinutubuan nila ng malaki. Kaya lalong naghihirap ang isang mahirap na magsasaka.


Pangapat, masamang panahon. Malaking banta sa sektor ng agrikultura ang pagkakaroon ng masamang panahon. Dahil dito, nasisira lahat ng pinaghirapang tanim ng ating magsasaka.


Panglima, maliit na pondo para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya. Ito ay nagiging problema ng ma magsasaka dahil kung wala silang pondo sa pambili ng mga makabagong teknolohiya na makakapagpagaan ng kanilang trabaho, sila ay lubos na nahihirapan dahil sa kakulangan sa kagamitan.



Yaan ang mga nakikita kong problema sa sektor ng agrikultura. Para sa akin, ang naiisip ko lang na solusyon sa mga suliraning ito (except sa masamang panahon) ay ang pagbibigay halaga sakanila ng gobyerno dahil sila lang ang may kayang matulungan ang mga magsasaka. Lakihan nila ang pondo, taasan ang kanilang sweldo, at ibigay ang kanilang mga kailangan. 



+sheryl oposa 

6 comments:

  1. How to watch live football on youtube? | Videoodl.cc
    Streaming live football youtube to mp3 is one of the most popular ways to watch football online. Most online sportsbooks offer live streams on-demand,

    ReplyDelete
  2. Las Vegas, Nevada - Casino - Jtmhub
    View all the details on your favorite Las Vegas casino 천안 출장마사지 games 안성 출장마사지 including 출장샵 slots, table games, poker, 속초 출장샵 and more! Find Vegas slot, table 진주 출장안마 and live entertainment

    ReplyDelete